Thursday, July 28, 2011














Noong Hulyo 22, 2011 kami ay nagkaroon ng Lakbay aral sa Ayala Museum, National Museum at Intramuros Maynila. Ang una namin pinuntahan ay ang Ayala Museum kung saan napanood namin kung paano kinukuha at ginagawa ang mga ginto . Natuklasan namin na ang mga ginto ay nakukuha sa mga ilog, ito'y sinasala at iniipon at pagkatapos ay tinutunaw nila ito at kinokortehan sa pamamagitan ng pagpukpok sa mga ito. Nakita ko din ang mga alahas na ginawa ng ating mga ninuno at ang mga ito ay talagang kahanga-hanga at napakaganda. Nakita ko din doon ang ibat-ibang uri ng palayok,banga at mga sinaunang plato na galing sa ibat-ibang lugar at bansa at ang mga ito ay nakuha pa nila sa ilalim ng dagat o kaya naman sa ilalim ng lupa.Ang mga obra nila Zobel,Amorsolo At Luna ay talagang napakaganda at kamangha-mangha. Ang pangalawa naming pinuntahan ay ang National Museum, dito ko naman nakita ang mga ibat-ibang gamit na nakuha sa mga barko at ilalim ng dagat tulad na lamang ng mga espada , balisong mga banga na pinaglalagyan ng mga patay at mga sinaunang mga damit at mga bangka na ginamit noon. Nakita ko din ang isang kubo sa labas na may ikalawang palapag, mga hayop na nakapreserve at mga insekto. Nakita ko din ang mga scenario ng pangyayari simula sa ating mga ninuno hanggang sa kasalukuyan nangyayari ngayon at ang mga sasakyang pandagat na ginamit noon. At ang huli naming pinuntahan ay ang Intramuros kung saan kami ay naglakad hanggang sa napagod at pinagpawisan pero sulit naman ang mga iyon dahil nakita namin ang mga sinaunang bahay na antigo na kung tutusin pero magaganda pa rin ang mga ito.Pumunta din kami sa Manila Cathedral na napakalaki at maganda,kami ay nagdasal at syempre hindi mawawala ang picturan.
Ang lakbay aral na ito at sadyang napakasaya at marami ka talagang matutunan. Hanggang sa uulitin na paglalakbay.. hehehe..

No comments:

Post a Comment